Kabanata 31: Ang Sermon (Buod)

« Kabanata 30Kabanata 32 »

Sa kabanatang ito inilarawan ni Rizal ang mga taong nagpapakabanal sa likod ng kanilang mga masasamang gawain sa loob mismo ng simbahan.

Isang malaking kamalig ang inayusan upang magsilbing simbahan para sa misa ng kapistahan. Maagang nagsidatingan ang mga panauhin at opisyal ng bayan upang masilayan ang buong misa at makinig sa banal na salita. Maging ang mga ordinaryong tao ay hindi rin nagpahuli upang makinig sa sermon na ibibigay ng predikador.

Mayroong nakalaan na lugar at upuan ang mga prominenteng tao habang nakasalampak naman sa sahig ang mga mahihirap. Buong tiyaga na hinintay ng lahat ang matagal na pagdating ng panauhing pandangal ng misa. Ito ay walang iba kundi si Padre Damaso.

Sa paglalakad ng pari papunta sa altar ay isa-isa niyang binati ang mga taong malalapit sa kanya. Binati rin niya si Ibarra, kinindatan niya ito at sinabihan na hindi daw niya ito nakakaligtaan sa lahat ng kanyang panalangin.

Aral – Kabanata 31

Laging tatandaan na ang karapatan ng mayaman at mahirap sa loob ng bahay dasalan ay pantay-pantay at walang dapat na ipagkaiba.

Talasalitaan – Kabanata 31

« Kabanata 30: Sa SimbahanKabanata 32: Ang Panghugos »