Kabanata 32: Ang Bunga Ng Mga Paskil (Buod)

« Kabanata 31Kabanata 33 »

Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak. Habang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit.

Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito.

Nagmamadali namang nagpunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito naman ay kasama ng ama nito sa negosyo.

Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito.

Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio.

Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang bayan.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 32

Dahil sa paninira ng mga nasa kapangyarihan sa isang institusyon o gawain, nawawala ang kredibilidad nito kahit ang katotohanan ay nais lamang ng mga ito ang mapabuti ang mga kapuwa.

Talasalitaan – Kabanata 32

Ito ay mga halimbawa ng talasalitaan

« Kabanata 31: Ang Mataas Na KawaniKabanata 33: Ang Huling Matuwid »