« Kabanata 32Kabanata 34 »
Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata.
Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.
Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao.
Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita ang isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan.
Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila. Nagbilin si Simoun na magkita sila ni Basilip sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano.
Aral – Kabanata 33
Kahit na nag-iisip ng matuwid ang isang tao, may mga pagkakataong kakapit din siya sa patalim dahil nabubulagan ng mga suliranin at pinagdaraanan sa buhay.
Talasalitaan – Kabanata 33
Ito ay mga halimbawa ng talasalitaan
« Kabanata 32: Ang Bunga Ng Mga PaskilKabanata 34: Ang Kasal Ni Paulita »