« Kabanata 37Kabanata 39 »
Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan upang mawala ang kanilang mga kinatatakutan.
Ang mag dinadakip ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino. Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng tanghali. Ginagawa nila nang walang anumang pananggalang sa init sa tanghali ng Mayo.
Nagwika si Mautang na isang Pilipinong guwardiya sibil na may karapatan silang pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas naman silang mga Pilipino.
Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod at pinaulanan sila ng bala. Nasawi si Mautang at ang ilan pang mga sibil.
May nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas ang kaniyang baril ngunit di niya ito makita nang maayos dahil tirik ang araw.
Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang iyon ang kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa talampas na ilang sandali lang ay nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na mapapatay niya ang kaniyang lolo.
Aral – Kabanata 38
Sa paggawa ng karahasan o masasamang bagay, kung minsan ay nadadamay ang ating mga mahal sa buhay. Direkta man o hindi ang epekto nito sa kanila, hindi naman alintana ang kapighatiang naidudulot nito sa kanila.
Talasalitaan – Kabanata 38
Ito ay mga halimbawa ng talasalitaan