« Kabanata 3Kabanata 5 »
Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.
Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at umasenso sa kaniyang tubuhan.
Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.
Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay pagmamay-ari ni Maria Clara.
Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang noong bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama para sa dalaga.
Aral – Kabanata 4
May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa. Katulad ng kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng makasariling interes ng mga prayle.
Talasalitaan – Kabanata 4
« Kabanata 3: AlamatKabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero »