Kabanata 41: Dalawang Panauhin (Buod)

« Kabanata 40Kabanata 42 »

Balisa at di makatulog si Ibarra dahil sa nangyari sa dula. Dumating si Elias upang ipabatid na may sakit si Maria. Tinanong nito ang binata kung may nais sabihin sa dalaga bago dalhin sa Batangas.

Isinalaysay din ni Elias kung paano huminto ang kaguluhan. Kilala niya raw ang dalawang nanggulo at napahinto dahil na rin sa pakiusap niya.

Nagbihis si Ibarra at pupunta sa bahay ni Kapitan Tiago. Nakasalubong niya sa daan ang kapatid ng lalaking madilaw na yumao sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan, si Lucas. Kinukulit nito si Ibarra sa perang makukuha sa pagkamatay ng kapatid.

Sinagot siya ni Ibarra na sa susunod na lamang sila mag-usap dahil pupunta siya sa maysakit. Nangulit si Lucas ngunit tinalikuran lang siya ni Ibarra.

Sumama ang tingin ni Lucas kay Ibarra. Napabulong ito na apo raw talaga ng matandang nagpahirap sa ama ni Lucas itong si Ibarra. Pero magkakasundo pa rin daw sila basta magbayad si Ibarra.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 41

May mga taong kayang kalimutan ang paninidigan at ipinaglalaban para lamang sa pera. Para sa kanila, may katumbas na halaga ang kanilang desisyon at pananaw sa buhay.

Talasalitaan – Kabanata 41

« Kabanata 40: Ang Karapatan At LakasKabanata 42: Mag-asawang De Espadaña »