Kabanata 42: Mag-asawang De Espadaña (Buod)

« Kabanata 41Kabanata 43 »

Dumating sa bahay nina Kapitan Tiago ang mag-asawang Don Tiburcio at Donya Victorina De Epsadaña kasama ang isang lalaking nagngangalang Linares.

Isang nagpapanggap na mediko si Don Tiburcio. Galing siyang Espanya ngunit di na nakabalik doon at dito na nakapangasawa.

Dating tagalinis sa ospital si Tiburcio. Nang manirahan sa Pilipinas, naghirap ito. Nang mapangasawa si Victorina, naisip niyang magpanggap na doktor, alinsunod na rin sa payo ng ilang kaibigan.

Nakabawi sa kabuhayan ang mag-asawa dahil sa dami ng nagpapagamot sa kaniya kahit huwad naman itong manggagamot.

Agad na pinuntahan ni Don Tiburcio ang maysakit na si Maria. Pinulsuhan ito at sinabing mapapagaling ang dalaga. Niresetahan ito ng liquen at gatas, Jarabe de altea, at dalawang pildoras de Cinaglosa. Ipinakilala naman ni Tiburcio kay Linares na nagbighani na sa dalaga.

Maya-maya naman ay dumating si Damaso na kagagaling lang din sa karamdaman.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 42

Kayang magpanggap ng iba para sa sariling kapakanan. Handa silang manlinlang ng tao para lamang maiangat ang sarili at hindi iniisip ang negatibong epekto nito sa kanilang kapuwa.

Talasalitaan – Kabanata 42

« Kabanata 41: Dalawang PanauhinKabanata 43: Mga Balak O Panukala »