Kabanata 43: Mga Balak O Panukala (Buod)

« Kabanata 42Kabanata 44 »

Sa kabanata na ito ipinakilala ang tatlong katauhan nina Don Tiburcio, Donya Victorina at Linares. Sila ang mga karakter na puno ng pagkukunwari at kasinungalingan.

Ang dating tahanan ni Kapitan Tiyago na masaya at maingay ay napalitan ng lungkot at katahimikan. Ang mga bintana ay nakapinid upang harangan ang hangin na makapasok sa silid ng maysakit na si Maria Clara.

Tahimik na nag-uusap tungkol sa mga santo at santa ang mag-pinsan na Tiago at Isabel nang biglang dumating ang mga hinihintay na panauhin. Sila ang mag -asawang Tiburcio at Victorina, kasama ang binatang si Linares.

Si Don Victorino ay kilala bilang isang doktor na espesyalista sa lahat ng uri ng karamdaman. Ngunit ang katotohanan siya ay isang huwad na manggagamot. Sa katunayan ay minsan na siyang nakulong dahil sa kanyang kasinungalingan.

Sa kabila nito ay napakalaki pa rin ang tiwala ni Tiyago sa huwad na doktor dahil sa mga mapaglinlang na pananalita ng asawa na si Donya Victorina.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 43

Ang mundo ay puno ng mga taong huwad at mapagbalatkayo. Maging mapanuri at mabusisi upang sa huli ay hindi magsisisi.

Talasalitaan – Kabanata 43

« Kabanata 42: Mag-asawang De EspadañaKabanata 44: Pagsusuri Sa Budhi »