Kabanata 47: Ang Dalawang Senyora (Buod)

« Kabanata 46Kabanata 48 »

Habang nasa sabungan si Kapitan Tiago, magkaakbay namang namamasyal sina Don Tiburcio at Donya Victorina. Tinitingan nila ang bahay ng mga Indio.

Nababalisa ang Donya kapag nagbibigay-pugay sa kaniya ang mga Indio. Inutusan niya ang asawa na mamalo ng sombrero ngunit umayaw ito dahil sa kaniyang kapansanan.

Nang mapadaan ang dalawa sa bahay ng alperes, nagkatinginan sina Victorina at Consolacion. Inistima nila ang isa’t isa at tinitigan mula ulo hanggang paa. Dumura pa sa harap ng bahay ng alperes si Victorina na lalong ikinaasar nito.

Sumugod si Consolacion at nagsagutan ang dalawa. Nilait ni Victorina ang alperes habang minaliit naman ni Consolacion ang kapansanan ni Tiburcio. Pumasok sa bahay at kumuha ng latigo si Consolacion ngunit inawat na ang dalawa ng kanilang mga asawa.

Narinig ng buong bayan ang away. Inutusan ni Consolacion ang asawa na barilin ang Don habang si Victorina naman ay inutusan ang asawang barilin din ang alperes. Pero tumanggi ito at nahablot ang pustiso ng asawa.

Bumalik na sa bahay ni Tiago ang mag-asawa. Nagdadadaldal ang Donya sa nangyari. Nagpahatid naman si Maria Clara sa silid habang inaabot ni Tiago ang bayad niya sa mag-asawa at umalis na ang mga ito.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 47

Walang maidudulot na maganda ang pagyayabangan. Anuman ang narating sa buhay ay dapat ituring na pantay-pantay ang bawat isa at manatiling nakaapak ang paa sa lupa.

Talasalitaan – Kabanata 47

« Kabanata 46: Ang SabunganKabanata 48: Ang Talinghaga »