« Kabanata 48Kabanata 50 »
Humingi ng paumanhin si Elias kay Ibarra dahil batid nitong nagambala niya ang binata. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Elias at sinabi ang pakay niya.
Si Ibarra daw ang sugo ng mga sawimpalad. Napagkasunduan daw ng puno ng mga tulisan na hilingin sa kaniya ang ilang bagay tulad ng pagbabago sa pamahalaan, pagbibigay ng katarungan, pagbawas sa kapangyarihan ng mga guwardiya sibil, at pagkilala sa dignidad ng mga tao.
Sinabi ni Ibarra na maaari niyang gamitin ang kaniyang kayamanan at impluwensiya niya mula sa mga kaibigan sa Madrid ngunit batid nitong hindi ito sasapat para sa pagbabagong hinihingi.
Sinabi rin niya na kung minsan ay nakasasama ang pagbawas sa kapangyarihan ng tao. Dapat din daw ay ang gamutin ang mismong sakit at hindi lamang ang mga sintomas.
Nagtalo ang dalawa saglit. Gayunamn, hindi nakumbinsi ni Elias si Ibarra at sasabihin na lamang niya sa mga sawimpalad na umasa na lang sa Diyos.
Aral – Kabanata 49
Kung minsan, mahirap nang gamutin ang sakit ng lipunan higit kung napabayaan na. Mas nakadaragdag sa pasanin ang di nila paggamot sa mga sakit na ito.
Talasalitaan – Kabanata 49
« Kabanata 48: Ang TalinghagaKabanata 50: Ang Mga Kaanak Ni Elias »