Kabanata 61: Ang Barilan Sa Lawa (Buod)

« Kabanata 60Kabanata 62 »

Dadalhin ni Elias si Ibarra sa Mandaluyong upang doon pansamantalang magtago. Ibibigay daw ni Elias ang pera na itinago niya sa puno ng balete upang magamit ni Ibarra paalis ng bansa. Inaya ni Ibarra na sumama si Elias dahil parehas naman sila ng dinanas, ngunit tumanggi ito.

Pagdating sa tapat ng palasyo, nakita nilang may naninita. Itinago ni Elias si Ibarra sa ilalim ng mga dahon. Sinabi nito sa mga bantay na tutungo siya sa Maynila upang magdala ng damo. Nakalusot sila sa mga bantay.

Nang makalagpas naman sa bunganga ng Ilog Pasig, isang palwa ng mga sibil ang papalapit sa kanila. Ililiko sana ni Elias ang bangka ngunit naisip niyang wala silang laban dahil sa armas ng mga ito.

Sinabi nito kay Ibarra na magkita na lamang sila sa Noche Buena sa libingan ng nuno ni Ibarra at tumalon palabas ng bangka. Pinaulanan siya ng bala ng mga sibil. Dahil malayo na ang narating ni Elias, di na siya sinundan. Umalis na rin ang mga ito nang may nakitang dugo sa tubig.

Take the official Career Quiz to find out what kind of job is best suited for you!
It's super accurate and free.
» To take the quiz, go here «

Aral – Kabanata 61

May mga maaasahan tayong kaibigan na gagawin ang lahat para lamang maprotektahan tayo. Kahit minsan ay mapahamak na sila ay ipagtatanggol pa rin tayo.

Talasalitaan – Kabanata 61

« Kabanata 60: Ikakasal Na Si Maria Clara
Kabanata 62: Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso »