Kabanata 64: Ang Katapusan (Buod)

« Kabanata 63Kabanata 1 »

Simula nang pumasok si Maria Clara sa kumbento, nagpakalayo-layo na rin si Padre Damaso. Sa Maynila siya naglagi hanggang inilipat ng padre provincial sa isang malayong lalawigan upang doon na magmisa. Kinabukasan, natagpuang pantay si Padre Damaso. Ayon sa pagsusuri ng mediko, bangungot o sama ng loob ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.

Nanungkulan naman pansamantala si Padre Salvi sa kumbentong pinapasukan ni Maria. Ilang araw pa ay naging Obispo na rin ito at nagtungong Maynila.

Bago naman maging ganap na mongha si Maria, kalunos-lunos naman ang sinapit ng kaniyang ama-amahang si Tiago. Nangayayat ito nang husto, naging mapag-isip, at nawalan ng tiwala sa mga tao sa kaniyang paligid. Sinabihan naman ni Maria ang kaniyang Tiya Isabel na umuwi na lamang sa Malabon o San Diego dahil nais na niyang mamuhay nang mag-isa.

Napabayaan na rin nito ang mga santo at santang pinananampalatayaan. Naging abala ito sa paglalaro ng liyempo, sabong, at paggamit ng marijuana. Napabayaan niya ang kaniyang kalusugan at kabuhayan. Ganap nang nalimot ng mga tao na dati siyang marangya at iginagalang na tao sa kanilang bayan.

Samantala, si Donya Victorina ay patuloy sa pagdagdag ng kulot sa kaniyang ulo upang magbalatkayo na isang taga-Andalucia. Pero nangungutsero na lang siya ngayon. Hindi makakilos si Don Tiburcio at hindi na rin makapanggamot bilang isang doktor at wala na ring mga ngipin.

Aral – Kabanata 64

Kung hindi mapanghahawakan ang mga suliranin nang maayos, maaaring maging bunga ito ng pagkaligaw ng landas. Lahat ng suliranin ay may tamang solusyon at hindi ang bisyo at pagpapabaya sa sarili.

Talasalitaan – Kabanata 64

« Kabanata 63: Ang Noche BuenaKabanata 1: Ang Pagtitipon »