« Kabanata 6Kabanata 8 »
Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio.
Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun.
Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan.
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli.
Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay.
Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang si Basilio.
Aral – Kabanata 7
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-kanyang pamamaran kung paano nila makamtam ang mga layunin at adhikain nila sa buhay.