Kabanata 8: Mga Alaala (Buod)

« Kabanata 7Kabanata 9 »

Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa pagitan ng mga dayuhan at mga Pilipino. Ipinahayag din niya kung gaano kabilis ang pag-asenso ng mga Espanyol ay siya namang pagkalugmok sa kahirapan ng Inang Bayan.

Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila. Nanlumo at nalungkot siya dahil sa kanyang mga nasilayan. Halos walang pinagbago at lalo pang pumangit ang Escolta pagkatapos ng pitong taon na nilisan niya ito.

Ang tanawin at alaala ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang napabayaan. Maging ang kalagayan ng mga tao ay lalo pang lumala, mas lalong dumami ang bilang ng mga alipin.

Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga prayle ay siya namang ingay at langitngit ng gulong ng mga kariton na gamit ng mga pobreng Pilipino. Ito ang mga eksena na labis na nagpabigat sa damdamin ni Ibarra.

Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang Bagumbayan. Dito ay sumagi sa isip niya ang mga aral ng kanyang dating guro na pari. Ang mga aral na ito ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang isapuso ang pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan.

Aral – Kabanata 8

Huwag gawing hadlang ang nakikita at nararanasang kahirapan upang makamit ang pangarap na gustong maibigay sa Inang bayan. Bagkus, dapat natin itong gamiting inspirasyon.

Talasalitaan – Kabanata 8

« Kabanata 7: Suyuan Sa AsoteaKabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan »