Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol Sa Bayan (Buod)

« Kabanata 8Kabanata 10 »

Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni Padre Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara.

Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa Beaterio at kunin ang mga naiwang gamit ng huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya namang pagdating ni Padre Damaso.

Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at nang kanya itong malaman aybiglang nag-init ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit ang kanilang usapan hanggang sa umabot na silang dalawa ay nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga pari.

Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil si Ibarra ay isang kaaway.

Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa lahat ng desisyon patungkol kay Maria Clara dahil siya daw ang kanyang tumatayong pangalawang ama.

Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang matanda tungkol kay Ibarra. Pagkatapos ay pinatay niya ang mga nakasinding kandila na inalay niya sa altar para sa maayos at ligtas na pagbibyahe ni Ibarra.

Aral – Kabanata 9

Maging mapanuri sa mga taong nakakasalamuha. Hindi lahat ng ngumingiti sa iyo ay may magandang hangarin. Kagaya lamang ni Padre Damaso, na ang akala mo ay walang pag-aalinlangan sa katauhan ni Ibarra.

Talasalitaan – Kabanata 9

« Kabanata 8: Mga AlaalaKabanata 10: Ang Bayan Ng San Diego »