Kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks bilang mamamayan ng lipunan

Katanungan

Kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks bilang mamamayan ng lipunan

Sagot verified answer sagot

Kahalagahan ng pag-aaral ng ekonomiks bilang mamamayan ng lipunanMahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga mamamayan ng lipunan dahil bilang bahagi ng isang bansa, ang ekonomiya ang nagbibigay sa atin ng maraming oportunidad at ang nagbibigay sa atin nang mas maayos na buhay.

Kung mapag-aaralan ng bawat isa kung paano tumatakbo ang kanilang ekonomiya, malalaman nila kung paano rin gumagalaw ang kanilang hanapbuhay, trabaho, at pananalapi.

Sa buhay, napakahalaga ng pananalapi upang makamit at mabili ang mga nais sa buhay mula sa mga kagamitan, serbisyo, produkto, at kahit ang mga luho. Kung bawat isa ay malalaman ang takbo ng ekonomiya, marami sa atin ang malalaman ang mga stratehiya upang mas mapalakas pa ang pinagkukuhanan natin ng kabuhayan.