Kahulugan ng Deva at Raja?

Katanungan

kahulugan ng deva at raja?

Sagot verified answer sagot

Ang deva at raja ay dalawang Sanskrit na salita na pinagmulan ng salitang devaraja. Ang ibig sabihin ng salitang deva ay diyos.

Samanala, hari naman ang kahulugan ng salitang raja. Ang mga salitang ito ay mula sa hinduismong impluwensiya na kung saan kinikilala ng paniniwalang ito ang hari bilang buhay na representasyon ng diyos.

Ito ay mayroong dalawang turo, ang karma at reinkarnasyon. Ang karma ay ang paniniwalang kung nagdulot ang tao ng kabutihan sa iba, ito rin ang kanyang matatamo.

Samantala, ang reinkarnasyon naman ay ang paniniwala nila na ang isang namatay ay mabubuhay muli sa ibang katauhan o anyo.