Kahulugan ng lingguwistikong komunidad

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang kahulugan ng lingguwistikong komunidad?

Sagot verified answer sagot

Kahulugan ng lingguwistikong komunidadAng lingguwistikong komunidad ay isang termino sa sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupong ng mga taong gumagamit sa iisang uri ng barayiti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipiko o tukoy na patakaran o mga alituntunin sa paggamit ng wika.

Nagkakasundo ang mga bahagi ng komunidad na ito sa kahulugan ng wika at sa interpretasyon nito, maging ang kontekstong kultural na kaakibat nito. Sa Pilpinas, matatagpuan ang maraming lingguwistikong komunidad.

Halimbaw nito ay ang Tagalog ng mga taga-Batangas. Kasama rin sa pag-aaral ng lingguwistikong komunidad ay ang pagpapalawak at pagpapaunlad ng wikang ginagamit dahil sa mass media, paaralan, at ang makabagong teknolohiya.