Kailan at saan itinatag ang KKK?

Katanungan Sagot

Katanungan

Kailan at saan itinatag ang KKK?

Sagot verified answer sagot

Kailan at saan itinatag ang KKKAng Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ay naitatag noong Hulyo 7, 1892 sa isang tahanan sa Azcarraga Street na ngayon ay kilala na bilang Claro M. Recto Avenue, sa Tondo, Maynila.

Sinasabing itinatag ni Andres Bonificio ang KKK sapagkat bilang kasapi ng La Liga Filipina, ay nawawalan siya ng pag-asa sa pagkilos sa isang madiplomatikong pamamaraan.

Lalo raw umigting ang damdamin ni Bonifacio na magsimula ng isang rebolusyon at madugong pagkilos nang makulong si Jose Rizal sa Dapitan. Nagkaroon din ng sanduguan o blood compact sa pagtatatag ng KKK at nilagdaan ang isang kasunduan gamit ang kanilang mga dugo.