Katanungan
kailan binitay ang gomburza?
Sagot
Binitay ang GOMBURZA noong Pebrero 17, 1872. Ang GOMBURZA ay ang mga piling bahagi ng pangalan ng tatlong martir na mga pari na nakilala sa kasaysayan ng Pilipinas matapos hatulan ng pagbitay dahil sa akusasyong pagiging taksil sa pamahalaan na nagbunsod upang magkaroon ng pag-aalsa sa Cavite noong taong 1872.
Ang tatlong paring ito ay sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Nilitis ang akusasyon sa tatlong martir na pari ng hindi man lamang nabibigyan ng pagkakataon upang makakuha ng abogado.
Matapos ang paglilitis, ang mga ito ay hinatulan ng pagbitay sa pamamagitan ng garote. Ang pangyayaring ito ay nag-iwan ng isang masalimoot na damdamin para sa mga Pilipino.