Kailan idineklara ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng Espanya?

Katanungan Sagot

Katanungan

kailan idineklara ni emilio aguinaldo ang kalayaan ng ating bansa?

Sagot verified answer sagot

Noong ika 12 ng Hunyo taong 1898 ipinahayag o idineklara ang kalayaan ng Pilipinas sa kamay ng mga mananakop na Espanyol.

Ang Pilipinas ay napasakamay ng mga mananakop na Espanyol sa loob ng 333 taon. Kung kaya’t naging makasaysayan ang pagpapahayag ng kalayaan ng bansa.

Ang deklarasyong ito ay naganap sa Kawit, Cavite kung saan binasa ang isang kasulatan na naglalaman ng pormal na pagkakalaya ng Pilipinas gamit ang wikang kastila na sinulat ni Ambrocio Rianzares Bautista.

Sa araw ding ito unang iwinagayway ang bandera ng Pilipinas sa pangunguna ni Hen. Emilio Aguinaldo. Dito rin pinatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas na tinatawag na Marcha Filipina Magdalo o Lupang hinirang sa kasalukuyang panahon.