Katanungan
kailan inaawit ang lupang hinirang?
Sagot
Inaawit ang Lupang Hinirang tuwing may pagtitipon o seremonya. Ang Lupang Hinirang ay ang pambansang awit ng bansang Pilipinas.
Ito ay inaawit tuwing may pagtitipon o seremonya na idinaraos partikular na ng mga pampublikong sangay ng pamahalaan.
Ito ay inaawit ng matuwid na nakatayo habang nakaharap sa watawat ng bansa. Ang kanang kamay ay nakapatong sa dibdib partikular na sa bandang kaliwa kung nasaan ang ating puso.
Ayon sa kasaysayan, bago pamagatang Lupang Hinirang ang awiting ito, ito muna ay tinawag na Marcha Nacional Filipina na nasa wikang Espanyol at ang katumbas nito sa ingles ay Philippine National March.
Ito ay unang pinatugtog ng unang maiwagayway ang waawat ng bansa bilang tanda ng kasarilan nito.