Kailan maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensya ng karahasan?

Katanungan Sagot

9

Katanungan

kailan maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensya ng karahasan?

Sagot verified answer sagot

Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensya ng karahasan kung ang nagawa ay nakamit na ang kapatawaran.

Ang kilos o gawa ng isang tao ay may kaakibat na pananagutan sapagkat ang bawat galaw ay naaayon sa kagustuhan at kaalaman ng indibidwal.

Ito ay maaaring mapaektuhan ng iba’t ibang salik na maaaring makapagdulot ng masama o hindi maganda para sa sarili maging sa kapwa.

Ilan sa mga salik na nagbibigay ng hindi magandang epekto sa kilos ay ang takot na kinapapalooban ng mga pagbabanta o pananakot sa iba upang isakatuparan ang nais gawin, at ang damdaming masidhi na kung saan nangangailangan itong gamitan ng isip upang ang damdaming umiiral ay mailagay sa maayos na estado.