Kailan masasabing maunlad ang isang bansa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Kailan masasabing maunlad ang isang bansa?

Sagot verified answer sagot

Pag-unlad ang nais makamtam ng mga bansa sa mundo. Masasabing ang isang bansa ay maunlad kung makikitang nasa maayos na kalagayan ang iba’t ibang sektor at aspekto na bumubuo rito.

Una na rito ay ang maayos na serbisyo para sa mga mamamayan. Kung ang bawat isa ay mayroong access sa maayos na edukasyon, serbiysong pangkalusugan, maayos na transportasyon, at hindi na nagugutom ang mga mamamayan ay masasabing maunlad na ang isang bansa.

Mababatid rin ito sa laki ng produksyon nila ng mga produkto at mayroong magandang takbo ng ekonomiya na magiging makinarya upang mabigyan ng pondo ang mga pangangailangan ng kanilang mamamayan.

Kapag mas mababa ang krimen sa bansa, ibig sabihin ay mas konti ang taong naghihirap.