Kailan masasabing may nabubuong panibagong wika mula sa dati ang iisang wika?

Katanungan

kailan masasabing may nabubuong panibagong wika mula sa dati ang iisang wika?

Sagot verified answer sagot

Ang wika natin ay patuloy na nagbabago kasabay ng panahon. Kung minsan ay nakabubuo pa nga tayo ng panibagong wika mula sa kasalukuyang lengguwahe na mayroon tayo.

Ngunit paano nga ba nangyayari iyon? Ang pagkakabuo ng panibagong wika ay sa kadahilanan na ang mga ibang salita ay nakabubuo o nagkakaroon ng bagong kahulugan, na maaaring iugnay sa dating iisang wika. Halimbawa nalang ay ang pagiging conyo.

Ang pagiging conyo ay ang pamamaraan kung saan ginagamit ang parehong Wikang Filipino at wikang Ingles upang makabuo ng bagong salita. Magandang ehemplo at patunay ito na nagbabago ang wika at nagkakaroon ng bagong pananalita.