Kailan masasabing mayroong ekwilibriyo sa pamilihan?

Katanungan

kailan masasabing mayroong ekwilibriyo sa pamilihan?

Sagot verified answer sagot

Masasabi na mayroong ekwilibriyo sa pamilihan kung ang bilang ng dami ng produkto o ng serbisyo at presyo ng mga ito ay nagkakasundo.

Ang ekwilibriyo ay isang pangyayari sa loob ng pamilihan na kung saan ang bilang ng dami ng produktong nais ipagbili sa bilang ng prodyuser at ang bilang ng dami ng produktong nais bilhin ng konsyumer ay magkakasundo sa presyong nabigyang linaw ng magkabilang panig.

Ito ay kinapapalooban ng dalawang element, ang presyong ekwilibriyo o ang presyong hindi man itinakda ngunit napagkasunduan ng prodyuser at ng konsyumer; at ang ekwilibriyong dami na tumutukoy naman sa dami ng kayang bilhin at ipagbili ng magkabilang panig.