Katanungan
kailan naganap ang pag aalsa sa cavite?
Sagot
Taong 1872, buwan ng Enero at ika-20 na araw ay kung kalian naganap ang makasaysayang pag-aalsa sa Cavite.
Ang pag-aalsa na ito ay laban sa mapang-abusong pananakop ng mga Espanyol sa ating bansang Pilipinas. Ayon sa mga mananalaysay, tinatayang 200 o mahigit pang mga sundalong Pilipino ang nagtipon-tipon upang ipaglaban ang kalayaan na ninanais ng sambayanang Pilipino.
Masasabing naging matagumpay ang pag-aalsa bagama’t nakipagkasundo na magkaroon ng reporma sa pamahalaan ang Espanya.
Ngunit marami ring mga buhay ang nakitil. Kabilang na sa mga ito ang tatlong paring GomBurZa. Sila ay binitay dahil sinasabing sila ang naging pasimuno ng naganap na himagsikan.