Katanungan
kailan naging pambansang sayaw ang cariñosa?
Sagot
Ito ay naging pambansang sayaw noong 1992. Ang Karinyosa ay nagmula sa Espanya na kung saan isang babae at isang lalake ang magka-pares upang masayaw ito, at umaaktong nanliligaw ang lalake sa babae.
Ngunit, napalitan din ng Tinikling ang Karinyosa bilang pambansang sayaw. Kaliwa’t kanan ang pagsasayaw ng Karinyosa noon dahil sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas kaya lumaganap din ito.
Sa kasalukuyan, sinasayaw pa rin ang Karinyosa sa mga iba’t ibang pista sa Pilipinas o kaya sa mga paaralan upang matutunan ng mga kabataan ang iba’t ibang uri ng sayaw noon at matandaan ang kasaysayan ng bansang Pilipinas.