Kailan nagsimula at nagwakas ang republika ng Rome?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

kailan nagsimula at nagwakas ang republika ng rome?

Sagot verified answer sagot

Nagsimula ang Republika ng Rome noong 509 B.K. at nagwakas noong 27 B.K.

Noong bumagsak ang Kahariang Romano taong 509 B.K. pa lamang ay umusbong naman kapalit nito ang tinatawag na Republikang Romano. Ito ang tinaguriang klasikal na Romanong sibilisasyon.

Lumawak ang teritoryong nasasakupan ng Roma sa ilalim ng republika. Lumakas rin ang kapangyarihang taglay nila sa buong daigdig.

Maraming naging ambag ang repulika sa kultura at tradisyon ng maraming bansa sa Europa. Maging sa sining, panitikan, pilosopiya, edukasyon, agham, musika, at iba pa ay naging malakas ang impluwensiya ng Republikang Romano.

Ngunit nagkaroon rin ng maraming kahinaan sa loob ng republika. Nagkaroon ng iilang digmaan sibil sa pagitan ng mga tao at tuluyang bumagsak ang republika noong 27 B.K.