Kailan naitatag sa Pilipinas ang partido federal?

Katanungan Sagot

11

Katanungan

kailan naitatag sa pilipinas ang partido federal?

Sagot verified answer sagot

Noong Disyembre 23, 1900. Matapos ang digmaang Pilipino-Amerikano ay nagkaroon ng oportunidad sa ating bansa na Pilipinas na bumuo ng mga tinatawag na political parties.

Ang mga partidong politikal na ito ay nahahati batay sa mga layunin at mithiin ng isang pangkat para sa ikauunlad ng bansa.

Isa sa pinakaunang natatag na partido sa bansa ay ang tinaguriang Partido Federal. Ito ay naitaguyod noong Disyembre 23, 1900.

Nagmula ang konseptong ito sa Estados Unidos kung saan ang bansang Amerika ay mga Federalist Party na. Noong pananakop ng mga Amerikano, ang partido federal ay isang grupo ng mga Pilipinong nagnanais magpolitiko na kung saan ang kanilang mga layunin ay pabor sa pamahalaang Amerika.