Kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensya?

Katanungan

kailan natin masasabi na hinuhubog natin ang ating konsensya?

Sagot verified answer sagot

Ito ay kapag kumikilos na tayo nang may pananagutan. Ang paghuhubog sa sarili ay kaakibat ng pagwawasto at pagpapanagot sa ating mga ginawang pagpapasya.

Halimbawa na lamang, pag nakagawa ng isang maling aksyon o nakapagbitaw ng masakit na salita ang isang tao, dapat niyang punahin ang kaniyang sarili at iwasto ito pagtapos.

Dahil sa kaniyang konsensya, siya ay nagpapanibagong hubog at inuunawa rin ang kaniyang sarili.

Ang paghuhubog ng konsensya ay marapat lamang para sa mga bagay na ginagawa nating mabibigat, at dapat magkaroon ng pananagutan sa ating mga sarili at sa kapwa. Bukod pa, dapat din itong pang hawakan lagi.