Kailangan bang palitan ng mga pabahay ang lupang sakahan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Kailangan bang palitan ng mga pabahay ang lupang sakahan?

Sagot verified answer sagot

Ang mga lupang sakahan ay hindi dapat palitan ng pabahay. Ang lupang pang-sakahan ay ang pangunahing ginagamit ng mga magsasaka upang makapagtanim ng punlang palay na ginagamit ng ating bansa sa produksiyon ng bigas.

Ang mga tanimang ito ang pinagkukunan natin ng makakain kaya’t kung gagawing pabahay ang mga ito at liliit ng liliit ang porsyento ng lupang maaaring magamit sa pagsasaka maaaring magkulang o kapusin ang produktong bigas sa ating bansa.

Ito ay magiging dahilan o daragdag pa sa dahilan ng kahirapan at kagutuman na nararanasan sa bansa. Marapat na linangin at pagyamanin pa ang mga ito sa halip na palitan upang matugunan ng sapat ang prroduksiyon ng bigas.