Kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito sa anong panloob na pandama ito?

Katanungan

kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito sa anong panloob na pandama ito?

Sagot verified answer sagot

Ang panloob na pandama na kilala natin bilang imahinasyon ay ang nagbibigay sa ating mga tao ng kakayahan na gumawa ng litrato o lumikha ng larawan gamit lamang ang isip na meron tayo.

Ibig sabihin ay hindi talaga natin ito nakikita at nahahawakan dahil iniisip lang natin ang mga ideya na ito sa ating utak. Maaaring isaguhit natin ito matapos natin isipin.

Isang magandang halimbawa ng pagkakaroon ng imahinasyon ay ang mga panaginip natin. Hindi nangyayari ang mga panaginip natin sa totoong buhay kaya naman sila ay tinatawag na imahinasyon. Wala kang nakikita o nahahawakan o nararamdaman.