Katanungan
kalagayan ng kababaihan sa mesopotamia?
Sagot
Ang kalagayan ng mga kababaihan sa Mesopotamia ay ang mga ito ay sinasanay upang mapangasiwaan ang mga pambahay na gawain.
Mula sa pagkabata ng mga kababaihan, ang mga ito ay tinuturuan ng iba’t ibang gawaing bahay upang maihanda sa kanilang pag-aasawa.
Ang isang babae na ninanais na pakasalan ng lalaki ay hinahandugan ng tinatawag na dowry ang pamilya upang ito ay matuloy.
Subalit kung ang lalaki ay binawian ng buhay, ang kapatid nito ang hahalili sa kasal o di naman kaya ay ang ibang kamag-anak ng lalaki kung ito ay nag-iisa lamang. Ang kasal na ito ay pinag-uusapan sa pamamagitan ng pakikipagtransaksiyon ng mga magulang ng lalaki sa parte ng babae.