Matapos isulat ni Jose Rizal ang kaniyang unang nobela na Noli Me Tangere, nakarating ito sa mga Kastila at hindi nagustuhan ang kuwento nito.
Naging banta man ito sa buhay ni Rizal, dahil nakita niya ang epekto nito sa mga mananakop ay ninais niyang magsulat pa ng isang nobela na pagpapatuloy ng kuwento ng unang nobela—ang El Filibusterismo.
Dahil sa galit ng mga Kastila ay umalis si Rizal sa Pilipinas at nagtungo sa Europa at doon sinimulan ang El Filibusterismo.
Sa pagsusulat niya ng kaniyang ikalawang nobela, nagkaroon siya ng iba’t ibang inspirasyon na hango sa kaniyang mga kinahaharap na isyu sa buhay.
Isa na rito ang pagpapahirap ng mga mananakop sa kaniyang pamilya sa Calamba at pagkuha ng mga ito sa lupain ng kaniyang mga kababayan.
May tampok din na kuwento ng pag-ibig ang El Filibusterismo na dahil naman sa pagmamahal niya kay Leonor Rivera na hindi sila pinahintulutang ikasal dahil isang erehe na raw si Rizal ayon sa mga magulang ni Rivera.
Nagkaroon din ng suliranin si Rizal sa paglilimbag ng aklat kabilang ang pananalapi. Pinahiram lamang siya ng pera ng kaibigang si Valentin Viola. Noong 1891 ay tuluyang natapos ni Rizal ang nobela at inilimbag ito noong 1891 at ipinamigay sa iba’t ibang bahagi ng Hong Kong at Europa.
Sana po ay nagustuhan ninyo ang aming isinulat tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan Ng El Filibusterismo. Isa po itong original na gawa ng Panitikan.com.ph. Maraming salamat sa inyong suporta at pagtangkilik ng aming mga sariling gawa. 🙂