Isinulat ng isa sa mga pinakadinadakilang manunulat sa kasaysayan ng Pilipinas na si Francisco ‘Baltazar’ Balagtas ang awit na Florante at Laura. Isinulat ito ni Balagtas noong 1838 o nang siya ay edad 50 na.
Sinasabi ng mga historyador na ang orihinal na bersiyon ng awit at naisulat ni Balagtas sa wikang Tagalog habang ang mga unang kopya naman na muling inilathala ay nasa wikang Filipino at English na.
Nawasak daw ang orihinal na kopya ng gawa ni Balagtas ngunit nakapagtago naman daw ang isang palimbagan ng kopya na ginagamit na batayan hanggang ngayon.
Ayon din sa mga eksperto ng kasaysayan, ang Florante at Laura ay hango sa kuwento ng pag-ibig ni Balagtas. Siya raw si Florante habang si Laura naman ay ang sinisinta niyang si Maria Asuncion Rivera.
Hindi naman nakatuluyan ni Balagtas si Asuncion at nakasal ang dalaga sa isang Mariano Capule na naging si Adolfo sa pamosong awit ni Balagtas. Ang masukal na kagubatan na kinaroroonan ni Florante ay hango naman sa gubat ng Quezonaria.
Hindi rin Florante at Laura ang tunay na pamagat ng akdang ito Balagtas. Ito ay mayroong buong pamagat na “Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Kahariang Albanya: Kinuha sa madlang cuadro historico o pinyurang nagsasabi sa mga nangyari nang unang panahon sa imperyo ng Gresya, at tinula ng isang matuwain sa bersong Tagalog.”
Sana po ay nagustuhan ninyo ang aming isinulat tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan Ng Florante At Laura. Isa po itong original na gawa ng Panitikan.com.ph. Maraming salamat sa inyong suporta at pagtangkilik ng aming mga sariling gawa. 🙂