Katanungan
karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga?
Sagot
Karamihan sa mga sinaunang sibilisasyon ay isinilang sa mga tabing-ilog. Ang heograpikal na lokasyon ng isang lugar ang siyang nakatutulong upang umusbong ang iba’t ibang sibilisasyon o pamayanan noong unang panahon.
Kadalasan, ang mga ito ay isinilang sa mga lugar na malapit o tabi ng ilog sapagkat ang tubig ay isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan ng mga tao.
Ang mga tabing-ilog na ito ang nagsisilbing mapagkukunan ng tubig na kailangan ng pamayanan sa araw-araw maging sa kanilang ikinabubuhay ay nakatutulong ito lalong lalo na sa usapin ng agrikultura partikular na sa pagsasaka na kung saan napatataba nito ang lupain at nakakukuha ng sapat na ani ang mga tao.