Katanungan
Ano ang karaniwang makikita sa usapan ng magkakapamilya o magkakaibigan?
Sagot 
Ang casual style ng pag-uusap ang karaniwang makikita sa usapan ng magkakapamilya o magkakaibigan. Ang depenisyon ng ng estilong casual ay ang pag-uusap na hindi nabibigyan ng diin at pansin ang pagiging pormal ng pakikipag-usapan sa kaniyang kapuwa.
Sinasabing sa pakikipag-usap gamit ang casual style, sinusunod ng nagsasalita ang paraan ng pagsasalita o paggamit ng wika kung saan siya mas komportable at hindi kailangang baguhin ang normal na paraan ng pagsasalita o pakikipag-usap niya.
Nagagawa raw ang casual style ng pag-uusap kung ang kaharap at katalastasan ay mga taong komportable ka nang kasama at mauunawaan ang iyong pagsasalita kahit hindi masyadong nabibigyan ng atensiyon ang pormalidad ng wika.