Karapatan ng mga bata?

Katanungan Sagot

Katanungan

karapatan ng mga bata?

Sagot verified answer sagot

Ang karapatan ng mga bata ay maisilang at magkaroon ng nasyonalidad, magkaroon ng pamilya na magkukupkop at tunay na magmamahal sa kaniya, tumira nang tahimik at payapa sa komunidad, maging malusog at makakain nang sapat na pagkain sa araw-araw, mabigyan ng edukasyon na kung saan tutulong sa kaniya habambuhay at hindi dapat gawing pribelihiyo dahil dapat matamasa ito ng bawat kabataan habang sila ay buhay.

Mapaunlad ang kanilang kakayahan at hindi lamang maging kaparehas at sundin kung ano ang gusto ng ibang tao para sa kanila, mahalaga na gusto rin nila ang kanilang ginagawa sa buhay.

Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aapi at pang-aabuso nino man dahil batayang karapatan ito kahit hindi na bata.

Matulungan ng pamahalaan dahil responsibilidad nila ang kanilang mamamayan at nagbabayad ng buwis, at magpahayag ng kanilang sariling pananaw na hindi nakatatapak sa karapatan ng ibang tao at hindi tinatakot ng kung sinong may awtoridad kung taliwas man ito sa kanila.