Kasuotang pambahay ng lalaki na hanggang tuhod?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

kasuotang pambahay ng lalaki na hanggang tuhod?

Sagot verified answer sagot

Ang tunic ang tawag sa kasuotang pambahay ng mga lalaki na hanggang tuhod. Ang imperyong Romano ay may iba’t ibang pamana sa kasaysayan. Kabilang dito ang kanilang gawi sa pananamit.

Para sa mga kalalakihang Romano, ang tunic ang tawag sa kanilang kasuotan na may habang hanggang tuhod. Ito ay madalas na ginagamit na pambahay.

Ang damit na ipinapatong naman sa tunic ay tinatawag na toga na kung saan ito ay isinusuot kung aalis o lalabas ng bahay.

Samantala, stola naman ang tawag sa kasuotan ng mga babae na may habang hanggang sa kanilang talampakan. Ito ay karaniwang ginagamit kung sila ay ansa bahay. Kung lalabas naman, ang stola ay pinapatungan ng palla.