Katanungan
katanggap tanggap ba bilang kalakarang pang ekonomiya ang globalisasyon?
Sagot
Oo, dahil ito ay nagpapalawak at nagpapakilala ng mga produkto at mga kita nito. Mas lumalawak ang napupuntahan ng mga produkto kahit sa ibang bansa kaya may benepisyo rin ito sa paglago ng ekonomiya.
Bukod pa rito, nakikilala ang mga produkto ng Pilipinas, halimbawa na lamang ng ibang prutas sa atin at ineeksport ito sa ibang bansa.
Nakikilala ang likas na yaman ng Pilipinas at naipapakita na mayaman ito. umuunlad din ang ekonomiya at may kompetisyon sa iba.
Mas lalong natutulak ang mamamayang Pilipino na maging mas malikhain para makipagtagisan sa iba pang produkto, lalo na sa mga internasyonal na produkto.