Katanungan
katangian ng tulang panudyo?
Sagot
Ang katangian ng tulang panudyo ay nang-uuyam, nang-iinsulto, o nanunukso. Ang tulang panudyo ay isang akda na kabilang sa mga karunungang bayan na kung saan ito ay naisusulat sa paraang katulad ng sa isang tula.
Ito ay nagtataglay ng sukat maging ng tugma subalit ang layunin ay kaiba sa akdang pampanitikan na tula. Ang layon ng tulang panudyo ay upang makapag-insulto ng isang tao sa pamamagitan ng isang tula.
Ito rin ay may katangiang makapanukso o makapang-uyam sa kalagayan o pisikal na kaanyuan ng isang tao. Bagamat ang mga nilalaman ay idinaraan sa paraang pabiro subalit ito rin ay nagiging ugat ng hindi pagkakaunawaan.