Katanungan
katangian ni tata pulo?
Sagot
Si Tata Pulo ay isa sa mga tauhan sa maikling kwentong pinamagatang “Huling Hiling, Hinaing, at Halinghing ni Hermano Useng”.
Ito ay akda ni Pat. V. Villafuerte. Ayon sa kwento, si Tata Pulo ay inilalarawan bilang isang masipag na tao. Siya ay matiyagang naghahanapbuhay araw-araw para pantustos sa gastusin ng kanyang pamilya.
Pursigido siyang mag trabaho dahil gusto niyang masustentuhan at maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Dahil rin sa katangian na ito ay masasabi nating mapagmahal na tatay at lolo si Tata Pulo. Inuuna niya ang kapakanan ng kanyang pamilya bago sa ang kanyang sarili. Si Tata Pulo ay may mabuting puso.