Katanungan
Ano ang katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari?
Sagot 
Ang katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari ay tinatawag na epiko.
Ang isang epiko ay katutubong panitikan na nagpapakita ng kabayanihan sa isang pangyayaring kamangha-mangha at karaniwang ginagamitan ng mga hiwaga at kapangyarihan.
Karaniwang ang isang epiko ay mahabang tula na salaysay ng mga hindi pangkaraniwang pangyayari kasama ang mga bayani, diyos, diyosa, diwata, at iba pang makapangyarihang nilalang.
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na “epos” na ang ibig sabihin ay “salawikain” o “awit.” Ang pinakapokus ng kuwento ng mga epiko ay ang kabayanihan ng isang personalidad na nagiging mahalagang bahagi ng kultura ng isang bansa o lugar.