Kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag unlad ng Mesopotamia?

Katanungan Sagot

Katanungan

kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag unlad ng mesopotamia?

Sagot verified answer sagot

Malaki ang naging kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng Mesopotamia dahil ang ilog Tigris at ilog Euphrates ay nakatulong upang maging angkop ang lupa sa pagsasaka.

Sa Panahong Neolitiko, pagsasaka ang siyang pangunahing pamumuhay ng mga tao. Sa katimugang bahagi ng Mesopotamia naninirahan ang mga lagalag na tagapag-alaga ng hayop o pastol.

Para mapigilan ang pagbaha ng ilog sa kanilang sakahan ay nagtayo sila ng mga dam o irigasyon at mga dike. Gumawa din sila ng kanal mula sa ilog patungong sakahan sa hilagang lupain.

Hindi nagtagal ay tinawag na Sumer ang pook na pinamamahayan nila dahil nakihalubilo ang mga Sumerian sa mga magsasaka at sa mga taga-Timog Mesopotamia.