Kinaroroonan ng Asya (Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran)

Kinaroroonan ng Asya (Hilaga, Timog, Silangan, Kanluran)Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo. Ito rin ang pinakamatao o pinakapopulado sa pitong kontinente ng daigdgi. Ito matatagpuan sa silangan at hilagang bahagi ng mundo. Nasa paligid rin nito ang iba pang kontinente tulad ng Europe at Africa.

Kung sukat naman ang pag-uusapan, nasa 44,579,000 kilometro kwadrado ang buong Asya. Makikita rin sa kontinente ang Pacific Ocean sa gawing silangan nito, nasa timog ang Indian Ocean, at ang Artic Ocean naman sa hilaga. Mayroong 48 bansa ang Asya at mayroong limang rehiyon.

Kinaroroonan ng Hilagang Asya

Matatagpuan ang Hilagang Asya (North Asia) sa hilagang bahagi ng Asya at halos kabahagi ng Russia (60° North at 100° East). Nasa 13,000,000 kilometro kwadrado ang sukat nito.

Kinaroroonan ng Hilagang AsyaHalos eksklusibong nasasakop din ng Siberia ang nasabing kontinente. Binubuo ang rehiyon ng mga bansang Kyrgyzstan, Tajikistan, Uzbekistan, Kazakhstan, Turkmenistan, Georgia, Armenia, at Siberia.


Sa mga bansang sakop ng Hilagang Asya ay mayroong mas mahabang klima ng taglamig habang sandali lamang ang tag-init gawa na rin ng lokasyon nito. Dahil dito, hirap makapagpatubo ng iba’t ibang uri ng punong kahoy sa nasabing rehiyon.

Kinaroroonan ng Timog Asya

Makikita naman ang rehiyon ng Timog Asya sa itaas ng Indian Ocean at binubuo ng mga bansa sa timog ng Himalaya. Tinatawag din ang rehiyon na Indian Subcontinent. Hindi simetriko ang hugis nito at pa-tatsulok o triangle.


Kinaroroonan ng Timog AsyaBagaman nasa isang rehiyon ang Timog Asya, iba-iba naman ang katangian at klima sa rehiyon dahil sa lokasyon na rin nito. Mayroong mga bahagi na mayroong mga disyerto habang may ilang bahagi naman na mayroong pag-ulan ng nyebe sa isang taon.

Kabilang sa rehiyon ng Timog Asya ay ang mga bansang Bhutan, India, Afghanistan, Bangladesh, Maldives, Nepal, Srik Lanka, at Sri Lanka. Ang nakikitang malaking pagkakatulad ng mga bansang nasa rehiyon ng Timog Asya ay ang pagkakaroon ng relihiyon ng Buddhism, Sikhism, at Jainism.

Kinaroroonan ng Silangang Asya


Ang East Asia naman ay makikita sa ilalim na bahagi ng bansang Russia (38.7946° North, 106.5348° East). Mayroong siyam na bansa ang makikita sa rehiyon na mayroong kabuuang sakop na 11,800,000 kilometro kwadrado.

Kinaroroonan ng Silangang AsyaIsa ang Silangang Asya sa pinakamalaking sakop dahil makikita rin dito ang bansang China. Nasa silangan nito ang malaking bahagi ng Pacific Ocean.

Kasama sa Silangang Asya ang mga bansang magkakadikit na Mongolia, China, South Korea, North Korea, Hong Kong, Macau, habang nakahiwalay naman ang mga bansang Japan at Taiwan na nasa itaas na bahagi ng Pilipinas na bahagi naman ng Timog Silangang Asya.

Kinaroroonan ng Kanlurang Asya

Kilala rin ang rehiyong ito bilang Gitnang Silangan o Southwest Asia. Itong rehiyong ito rin ang sinasabing hangganan ng Asya sa mga kontinenteng Africa at Europe.

Kinaroroonan ng Kanlurang AsyaNasa itaas na bahagi nito ang Hilagang Asya at ilang bahagi ng Russia at Europe, nasa kaliwang bahagi naman ang kontinente ng Africa, at nasa gawing kanan ang bansang India. 32.8000° north and 35.6000° east.

Kabilang sa bansang nasa Kanlurang Asya ang Armenia, Azerbaijan, Bahrain, Cyprus, Gaza Strip, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, Turkey, UAE, at Yemen.

Kinaroroonan ng Timog Silangang Asya

Kinaroroonan ng Timog Silangang AsyaPinakakalat-kalat naman ang lokasyon ng Timog Silangang Asya. Iilang bansa lamang ang magkakadikit dito. Nasa ibabang bahagi ng Taiwan ang rehiyong ito habang nasa kanan naman Pacific Ocean at nasa kaliwa ang Indian Ocean, at nasa ibabang bahagi ang Australia.

Kasama rito ang mga bansang Brunei, Cambodia, Timor Leste, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, at Viet Nam.