Katanungan
kondisyon ng lipunan noong isinulat ang noli me tangere?
Sagot
Ang kondisyon ng lipunan noong isinulat ang Noli Me Tangere ay nakararanas ito ng diskriminasyon na kung saan minamaliit ng mga mananakop na Espanyol ang lahing Pilipino;
nakararanas ang lipunan ng maling sistema na kung saan pinagmamalabisan ang mga karapatan ng mga Pilipino; walang sapat na edukasyon ang mga tao sapagkat tinutulan ito ng mga mananakop;
at sumiklab ang iba’t ibang rebelyon o pag-aaklas na naglalayong makawala mula sa pagkaka-alipin ng mga dayuhang mananakop sa bansa.
Malaki ang papel na ginampanan ng nabanggit na nobela ni Jose Rizal sapagkat isa ito sa naging tulay upang maimulat ang kamalayan ng mga tao patungkol sa mga hindi mabuting nararanasan ng mga ito sa kamay ng mga Espanyol.