Kung ang sentro ng kabihasnan Sumer ay Mesopotamia ano naman ang sa kabihasnang Indus?

Katanungan

kung ang sentro ng kabihasnan sumer ay mesopotamia ano naman ang sa kabihasnang indus?

Sagot verified answer sagot

Kung ang sentro ng kabihasnan Sumer ay Mesopotamia, ang sa kabihasnang Indus naman ay ang Harappa.

Ang Kabihasnang Indus ay pinaniniwalaang umusbong sa lambak sa pagitan ng Ilog Indus at Ilog Ganges na matatagpuan naman sa timog na bahagi ng Asya.

Sinasabing ang pag-apaw ng tubig mula sa ilog ay kapaki-pakinabang sa pagpapataba ng mga lupa na nagagamit sa larangan ng pagsasaka.

Ang sentro ng akbihasnang ito ay ang Harappa na sinasabing umusbong noong 2700 BCE na sa kasalukuyan ay matatagpuan sa Pakistan partikular na sa Punjab.

Ang disenyo ng mga bahay sa kabihasnang ito ay parisukat. Samantala, ang paggawa ng palayaok at pag-uukit sa bato ang kagalingan ng mga mamamayan sa nasabing kabihasnan.