Katanungan
kung ano ang itinanim siyang aanihin (kahulugan)?
Sagot
Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin. Isa ito sa mga pinakasikat na salawaikain na mayroon tayo sa panitikang Filipino.
Ang pangungusap na ito ay may batid na aral. Syempre, gaya ng ibang mga salawikain ay hindi dapat natin bigyan ng literal na kahulugan ang nasabing salita—kahit na totoo naman na kung ano ang iyong itatanim ay siya mo ring pipitasin.
Pero ang aral sa likod ng salawikain na ito na naglalaman ng tunay niyang kahulugan, ay kung ano ang ating pinapakita o ginagawa ay may karampatan na kinahihinatnan. Kung ikaw ay gagawa ng mabuti sa iyong kapwa ay mabuti rin ang babalik sayo.