Kung ikaw ang anak paano mo haharapin ang hirap ng buhay?

Katanungan Sagot

Katanungan

Kung ikaw ang anak paano mo haharapin ang hirap ng buhay?

Sagot verified answer sagot

Kung ikaw ang anak paano mo haharapin ang hirap ng buhayKung ako ang anak sa teksto, haharapin ko ang hirap ng buhay sa pamamagitan ng pagiging isang produktibo at mabuting anak.

Sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng magandang bukas. Kung makapagtatapos kasi ako, makikita ko na kaya kong lagpasan ang anumang hirap ng buhay.

Ang edukasyon kasi ang isa sa pinakamabisang paraan upang masugpo ang kahirapan. Maraming oportunidad ang darating sa akin kung ako ay magkakaroon ng diploma.

Ito ang magiging pasaporte ko sa mga hirap ng buhay upang makahanap ng mga oportunidad para malagpasan ito. Mahirap mang makatapos, wala namang imposible sa isang taong puno ng pagsusumikap at determinasyon.